Quantcast
Channel: PinoyExchange.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 25978

IOC: Maaari nang Sumali ang mga Transgender sa mga Larong Pangkababaihan sa Olympics

$
0
0
Maliban sa Equestrian at iba pang laro na maaaring magkasagupa ang parehong babae at lalake, maraming palaro ang pinaghihiwalay ang mga kalalakihan at kababaihan dahil magkaiba sila ng pisikal na lakas at anyo tulad ng volleyball, basketball, athletics at iba pa. Sa inilabas na bagong panuntunan ng International Olympic Committee, parang hindi isinaalang-alang ang katotohanang iyon para lang mapagbigyan ang hinaing ng mga transgender. Mula sa patimpalak kagandahan para sa mga kababaihan, papasukin na rin ng mga transgender ang mga palarong pangkakabaihan.

Hinango sa: http://www.outsports.com/2016/1/21/1...y-new-olympics
Quote:

Originally Posted by International Olympic Committee Guidelines on Transgender Athletes
1. Those who transition from female to male are eligible to compete in the male category without restriction.

2. Those who transition from male to female are eligible to compete in the female category under the following conditions:

2.1. The athlete has declared that her gender identity is female. The declaration cannot be changed, for sporting purposes, for a minimum of four years.

2.2. The athlete must demonstrate that her total testosterone level in serum has been below 10 nmol/L for at least 12 months prior to her first competition (with the requirement for any longer period to be based on a confidential case-by-case evaluation, considering whether or not 12 months is a sufficient length of time to minimize any advantage in women's competition).

2.3. The athlete's total testosterone level in serum must remain below 10 nmol/L throughout the period of desired eligibility to compete in the female category.

2.4. Compliance with these conditions may be monitored by testing. In the event of non-compliance, the athlete's eligibility for female competition will be suspended for 12 months.

Mapapansin na magkaiba pa rin ng pamantayan ang mga babae at lalakeng transgender. Ang mga babae na naging lalakeng transgender ay pinahintulutan ng walang anumang alanganin. Dahil sa pagkakaroon ng katawang pambabae na kahit dagdagan ng testosterone at tapyasin ang kanilang dibdib kapag pinili nila maging lalake ay hindi sapat para mapabilis at mapalakas pa ang kanilang kakayahan sa kahit anumang palaro. Bagamat sa aking palagay ay maaari pa rin silang magwagi kung dadaanan nila sa ehersisyo at pageensayo tulad ni Chris Mosier (Para mas makilala si Chris Mosier, pakitingnan na lang siya dito: http://www.outsports.com/2016/1/21/1...d-championship)

Ang nakakapagpabagabag ay ang pagsali ng mga lalake na naging babaeng transgender sa mga larong pangkababaihan. Kahit sabihin pang babawasan ang testosterone nila bago ang palaro, hindi nito mababago ang katotohanan na sa una pa lang, mas malakas at malalaki pa rin ang kanilang katawan, buto at masel, mas mabilis ang galaw ng mga masel, mas malakas at malaki ang mga tuhod, mas malakas at malaki ang baga at iba pa kung ihahambing sa mga makakalaban nilang mga kababaihan.

Kung ganito rin lang naman, huwag na sana silang gumawa ng hiwalay na palaro para sa mga kababaihan. Hayaan na lang na magkaroon ng isang high jump, isang long jump, isang volleyball, isang basketball at iba pa para sa lahat, mapa-babae at mapa-lalake. Magiging hamon ito sa mga babaeng manlalaro na lagpasan ang limitasyon ipinatong ng Inang Kalikasan sa kanila at magwagi sa mga kalaban nilang kalalakihan sa anumang palaro. Kung ito nga ang kahihinatnan ng panuntunan na ito ng International Olympic Committee sa hinaharap, sana may mga sumikat pa ring babaeng manlalaro na maaaring tingalain at tularan ng mga batang babae tulad nina Serena at Venus Williams, Nadia Comaneci,at iba pa.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 25978

Trending Articles