Quantcast
Channel: PinoyExchange.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 25978

How To check if a Condominium or Subdivision development has problems?

$
0
0
Meron bang government agency dito sa Pilipinas na pwedeng consultahin kung ang development project, lalo na't condominium or subdivision, ay may problema or wala?

Makakatulong ito sa mga ordinaryong tao na katulad natin para suriin mang lang kahit "online" kung ok ba ang inaalok sa ating properties or hindi.


HLURB - Housing Land Use Regulatory Board

Projects with CDO issued
Pag dating sa website ng HLURB, hanapin nyo lang sa bandang ibaba ng page yung "Project with CDO". CDO means, Cease and Desist Order. Piliin nyo lang kung saang region located ang project na gusto ninyong matukoy. Ito yung mga projects na may kakulangan or problema kaya hindi itinuloy or naka temporary hold and development.

Developer or Project Quick Check
Kung gusto nyo naman malaman kung legitimate or registered ang isang developer or project na inaalok sa inyo; puntahan nyo yung "Services" menu sa itaas ng page, tapos piliin niyo yung "developers". Kung alam nyo yung name ng developer or name ng project, gamitin niyo lang yung search box.


Maganda rin itong website ng HLURB kasi dito kayo sa ahensiyang ito pwede mag reklamo tungkol sa mga kaso na may kinalaman sa subdivisions, condominiums, or HOA (Home Owners Association). Meron ding links sa mga batas tungkol sa mga karapatan natin bilang mga buyer.


Disclaimer lang po.
Kung sakaling may CDO ang isang project, suriing mabuti kung kailan ito ginawaran ng CDO ng ahensya. Maaari din namang nakapag comply na ang developer at hindi lang updated ang listahan ng HLURB. Para makasigurado makipag ugnayan sa HLURB office na malapit sa inyo.


Sana makatulong itong website ng HLURB sa mga nagbabalak bumili or mag invest sa real estate projects.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 25978

Trending Articles