Guys tulong, hindi ko na alam gagawin ko. Grumaduate ako netong april lang, sobrang hirap maghanap ng trabaho pero may nagoffer sakin ng trabaho nung August actually matagal na siyang inooffer sakin pero ayoko kase stay in pero nung tumawag ulit sakin yung boss sabi kung hindi daw ako magi-stay in pwede daw ba ako ng 8-5 sabi ko ok edi yun pinatos ko na, pero 5 days palang ako dun tinangggal nako sabi kung hindi daw ako magi-stay in wag nalang daw ako pumasok, oh di sige move on pero masakit, akala mo laki ng sahod eh halos half lang **** ng minimum wage kakapal ng muka nila. Pero depressed na talaga ako kasi iilan nalang kameng walang trabaho sa mga kaklase ko. Nagtry ulit akong magapply ng trabaho kahit october na fortunately may mga nagrereply parin sa mga application ko at iniinvite ako for interview. Nung oct. 14 may interview ako somewhere in quezon city, so pumunta ako, yung company na yun parang bahay lang pero ok lang sakin basta magkatrabaho desperate na talaga ako, pagkatapos ng interview ko dun sa chinese na owner magtrial daw ako ng 2 days, mixed emotion ako kase diko sure kung maipapasa ko yung trial/training nila, dumating yung araw ng training ko nung friday pinaliwanag lang sakin yung gagawin at pinagsabihan ako na wag daw ako masyadong magtanong kasi nakakaistorbo daw ako putcha oh di sige yun nga ginawa ko parin pinapagawa nila sa office, ok lang sakin yung maging strict sila pero ayoko ng nabubully ako, napakaunprofessional ng mga staff dun at yung manager, naturingang manager palengkera ang dating, itanung ba naman kung virgin pa daw ako at bakit anghinhin ko ngiti nalang ako ng ngiti kahit naiiyak nako sa mga sinasbi nila medyo sensitive ako sa mga ganun kase 20years old ako at never been into relationship, tapos sabi ba naman nung manager kasi babakasyon sila ng bagiuo uuwian daw niya ako ng ano ng lalaki para sumaya ako tapos tawanan silang lahat. naiiyak nako habang nagtratrabaho tapos nung hapon naman dumating yung boss angdami niyang sinasbi sakin lakasan ko daw boses ko pag nakikipagusap sa phone tapos bilisan ko daw kumilos hello? anong ineexpect niya eh bago palang ako. tapos nalaman ko, angdami nadin palang nagtraining dun na hindi natanggap at yung iba hindi na tinuloy kasi nga ganung pangit na nga ng office, bully yung mga officemates mo at masungit na boss. Problema ko ngayon kung itutuloy ko pa ba sa lunes yung second day ng training ko, sana matanggap ako pero pag natanggap naman ako hindi ko alam kung anung mangyayari sakin dun kung ganung ang environment. sorry po anghaba ng post ko, sana may magtiyagang magbasa :mecry::depressed::confused:
↧