Quantcast
Channel: PinoyExchange.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 25978

Mga Babaeng Bakla dito sa Pilipinas

$
0
0
Faghags, fujoshi, o dito sa atin ang tawag sa mga katulad ko ay mga babaeng bakla. Gaano ba kaprevalent sa Philippine culture ang mga tulad namin? Well, sa mga girl friends na nasa circle ko though minsan tawagan namin sa isa't isa ay bakla, wala iyong level na kinikilig sila sa tandem ng dalawang lalake. Madalas mga nandidiri pa. Iyon bang comfortable silang gawing fashion consultants ang mga beki pero wapakels to kaderder ang reaction kapag usaping beki relations na.

In my case kasi, nagsimula ang pagiging babaeng bakla ko noong napanood ko noon ang isang episode ng Naruto kung saan accidentally nag-kiss sina Naruto at Sasuke. Kinilig ako ng bonggang-bongga. Nagtitilitili ako noon. Akala noon ng nanay ko kung anong nangyari sa akin. Buti na lang commercial break noon. Sabi ko na lang sa nanay ko may nakita akong ipis kahit wala naman.

Ewan ko ba parang may chemistry sina Naruto at Sasuke na parang LQ lang ng magdyowa ang drama nila. Gosh magteeteenager pa lang ako noon at I can still remember sumabog noon ang livejournal sa dami ng mga fujoshi na gumawa ng mga entries about that kissing episode. May gumawa ng mga fanart. May mga gumawa ng mga fanfiction. Tapos iyong mga paeklat ni Kishimoto na drama kung saan laging hinahabol ni Naruto si Sasuke. Parang naghahabol lang ng lumalayong dyowa ang peg. Halatang ibinibenta sa aming mga fangirls. Since then even now na may kanya-kanya ng anak sina Naruto at Sasuke, NaruSasu shipper pa rin ako.

In real life, may mga friends akong beki from highschool. Noong time na iyon even until now, sila iyong mga beki na never mong mapapagkamalang beki. Ang gagwapo, as in makalaglag-panty na gwapo. Take my breath away talaga ang ganap ko pag nakikita sila. Ang gagaling pang mag-basketball. Ano lang ba ako noon na isang plain Jane lang. Iyon nga lang I was walking in the hallway mga pagabi na noon kasi may tinapos akong prodwork for a school activity. While walking around the hallway, I saw two of the hottest guys in our campus kissing. Dahil eversince naman hindi ako judgmental na tao, I broke the ice telling them na wala akong nakita, turned my back and walk away. Sinundan nila ako and they asked me if I could be their friend and that's how I become close to them. Katuwa lang kasi inggit sa akin mga ibang girls dahil close ako sa dalawang hottest guys sa amin na hindi nila alam ay magjowa. Sila pa rin hanggang ngayon.

Ewan ko pero iyong mga friends kong beki. Sila iyong mga hindi mo mapagkakamalang beki kasi nga hindi sila nagmemake-up iyong nagcrocrossdress. Ang again, gwapo kaya maaliwalas sa mata. Nakakatuwa kasi you can hug them, kiss them sa cheeks, idantay ko legs ko sa kanila without malisya.

I don't know sa ibang babaeng bakla pero hindi lahat ng kabaklaan sinasakyan ko ha. Noong time ng My Husband's Lover, hindi ko siya feel at nalelerky ako ng bonggang-bongga sa palabas na iyon. Kahit kailan hindi ko majustify ang pagtataksil sa isang tao dahil lang sa pagmamahal. Maling-mali talaga. Pwede sana kung young gay love iyan na walang gamitan ng girl ang ganap at least wala kang sinasaktang ibang tao in the process pero iyong MHL took it to another level: mag-asawa na, may mga anak pa. Wala kang puso kung ok lang sa iyo ang ganoong set-up. Sinabihan ko na ang mga beki kong friends na kung mambabae sila later in life (which I believe hindi sila mahihirapan dahil gwapo at mayaman sila) for whatever reasons please lang let them know the real score first para alam nila ang papasukin nila and decide freely base on that.

May iba bang babaeng bakla dito? Kwento naman kayo ng kabaklaan niyo. :)

Viewing all articles
Browse latest Browse all 25978

Trending Articles