Quantcast
Channel: PinoyExchange.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 25978

PaulKa * [Paul Salas & Mika dela Cruz] - MoyLabs : You're My Home #1

$
0
0


Binisita ng pinakabagong Kapamilya teen loveteam na sina Paul Salas at Mika dela Cruz, na kilala rin bilang PaulKa, ang PEPtalk kamakailan.

Isa sa mga pinag-usapan ay ang pinakabagong ABS-CBN primetime series na You’re My Home at ang kanilang karanasan sa pagtatrabaho kasama nina Richard Gomez at Dawn Zulueta o ang CharDawn.

Hindi ito ang unang beses na nakasama ni Paul si Dawn sa teleserye.

Kuwento ni Paul, “Ako kasi, si Tita Dawn, naka-work ko na siya noon sa Mula Sa Puso dati.

"Ako yung kapatid ni Kuya JM de Guzman doon. Ako si Warren, yung dating si Patrick Garcia.

“Medyo mas comfy na ako na naka-work si Tita Dawn, kasi naka-work ko na siya mula nung sa Mula Sa Puso, and sobrang bait naman niya.

"So, nung bago pa lang kami mag-taping ng You’re My Home, medyo kinakabahan ako kay Tito Gomz [Richard Gomez], kasi hindi ko pa siya masyadong naka-work.

"And si Tita Dawn, siyempre matagal na din. Baka hindi na niya ako maalala.

"Pero nung nakita niya [Dawn] ako sa first taping day, nagulat siya. Ang laki ko na daw.

“So, natutuwa ako at nape-pressure din ako na maka-work sila.

"Pero pag inisip ko kasi yun, hindi ko magagawa yung trabaho ko and yung character ko.

"So, hindi ko na iniisip, and mabait naman silang katrabaho.”



MIKA'S EXPERIENCE. Samantala, inamin ni Mika na na-intimidate at nahiya siya sa simula ng taping.

Aniya, “Siyempre, first taping [day]. Nahihiya ako lumapit sa mga big stars. So, nandun lang ako sa tabi.

"Hanggang sila yung nakapansin sa akin. Tapos [naisip ko], 'Uy, napansin niya ako.’

“I felt intimidated po talaga at first, kasi never ko pa po naka-work si Ms. Dawn and si Kuya Gomz.

“So I don’t know what they are like, if baka mamaya, mapansin yung acting ko.

“Or baka mamaya may ugali ako na hindi pleasant for them.

"So, I don’t know po. Hindi ko po alam paano sila i-approach at first.

“Pero after siguro two taping days... kasi hindi ko po sila madalas kasama sa taping, so nasa other side po ako ng story.”

Naikuwento rin ni Mika na agad siyang naging kumportable sa set nang nakakabiruan na nila si Dawn sa mga sumunod na taping days.

“Comfortable na naman po ako sa kanila ngayon, pati po kila Ate Jessy [Mendiola].

"Masaya naman po na sila yung katrabaho ko kasi siyempre po, sobrang big stars.

"I am really, really blessed po sa project na ‘to.”

Abangan ang masayang kuwento nina Paul at Mika sa #PaulKaOnPEPtalk ngayong November 18.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 25978

Trending Articles